Plastic ban balak ipatupad ni Duterte

Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng plastic ban sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ginawa ng pangulo ang pahayag sa cabinet meeting Miyerkules ng gabi matapos ang presentation ng Natural Resources Development Corporation na isang attached Government Owned and Controlled Corporation ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Nais aniya ng pangulo na pagbawalan ang plastic dahil sa climate change.
Pero ayon kay Panelo, sinabi ng pangulo na nangangailangan ng legislative action ang kanyang planong plastic ban.
Ibig sabihin, kailangan munang bumalangkas ng bagong batas para maipatupad ang naturang plano.

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close