LAGDA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang upang ganap na maging isang batas ang panukalang P4.1 trillion 2020 national budget makaraang ratipikahan ito kahapon ng Senado at Kamara.
Una nang lumusot sa Bicameral Conference Committee ang panukalang pambansang pondo matapos ang ilang serye ng pagpupulong.
Dumalo sa isinagawang signing at approval sina Senate Finance Committee chair Sonny Angara, Senators Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Imee Marcos, Francis Pangilinan, Richard Gordon, Christopher “Bong” Go, at Joel Villanueva.
Sa panig ng Kamara, dumalo sina Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez, House Appropriations chair at Davao 3rd District Rep. Isidro Ungab.
Kasama rin sina Reps. Joey Salceda, Luis Raymund Villafuerte, Neptali Gonzales, Jose Antonio Sy-Alvarado, Lucy Torres-Gomez, Bernadette Herrera-Dy, Alfred Vargas, Edcel Lagman, Janette Garin, Ronaldo Zamora, Romeo Momo Sr., Jocelyn Limkaichong, Teodorico Haresco Jr., Juan Pablo Bondoc, Junie Cua, Minority Leader Bienvenido Abante Jr., Michael John Duavit at Aurelio Gonzales Jr.
Ayon kay Ungab, plano nilang maisumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang 2020 General Appropriations Bill (GAB) sa December 21.
Mayroong hanggang December 31 ang Pangulo para lagdaan ang panukalang national budget upang sa pagpasok ng January 1, 2020 ay maiwasan ang reenacted budget.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *