PINAS HUMAKOT NG GINTO SA DAY 1 NG SEA GAMES | Headline News

PINAS HUMAKOT NG GINTO SA DAY 1 NG SEA GAMES

Sa pag-arangkada ng mga hostilidad, rumatsada ang Pilipinas sa hataw ng limang gintong medalya matapos ang pormal na seremoya ng ika 30th Southeast Asian Games na idinadaos sa iba”t ibang playing venues sa Kalakhang Maynila sa karatig lalawigan ng bansa.
Ang larangan ng triathlon na idinaos sa Subic Bay Freeport, sa Olongapo, ang unang nagbigay ng dalawang gintong medalya para sa pambansang koponan matapos magwagi si John “Rambo” Chicano para sa kalalakihan at Kim Mangrobang sa kababaihan.
Bukod sa pagwawagi ni Chicano naitaila rin ang bagong SEA Games record sa naturang paligsahan para sa lalaki matapos niyang maitala ang winning time na Isang oras, 53 minutos at 26 segundo upang makopo ang unang ginto ng medalya, makaraan lamang ang isang oras ay agad naman sinundan ang pagwawagi ni Chicano ang kategorya ng distaff.
Naitala ni Mangrobang ang oras na 2:05.08 upang sungkitin ang gintong medalya para sa kababaihan at gawing ganap na double-back to back na panalo para sa Pilipinas.
Sumegunda kay Chicano ang kababayang si Kim Remolino at runner-up kay Mangrobang ang Fil-am na si Kim Kilgroe.
“Nagbunga ang sipag, sakripisyo at tiyaga ng mga bata, we are notch higher sa mga kalaban kaya deserve nila ang ginto,” wika ni TRAP president Tom Carrasco.
Bukod sa Triathlon, nakapagtala rin ng dalawang gintong medalya ang sa bahagi ng Dance Sport kung saan nagwagi naman ang tambalan nina Jayson Gayson at Joy Renigen matapos dominahin nila ang sayaw na foxtrot at standard waltz.
Ang paligsahan sa bahagi ng wush ang siyang nagbigay naman ng ikalimang ginto medalya para Pilipinas, matapos ang pagwawagi ni Agatha Wong, siyang nadomina sa taijiquan event para sa kababaihan, ay nakapagtala ng kabuuang 9.76 na puntos upang maging sapat at sa pag-angkin sa asam na gintong medalya.
“I feel relieved, because finally I’m alone with my first event, I’m really happy to deliver something for the Philippines,” pahayag ni Wong.
Sa ibang ulat, posible pang madagdagan ang bilang ng mga gintong medalya ng Pilipinas ng anim na gintong medalya ayon sa isang dipa kumpirmadong ulat. Ayon sa ulat, nagwagi ang koponan ng mga Filipina sa larong sepak takraw, habang sinusulat ang balitang ito.
Bagamat wala pa sa medal ranking, nagwagi naman sa kani-kanilang mga asignatura sina Jason Patrombom laban sa taga Laos na si Sataporn Sammavalong sa iskor na 6-1, 61, sa bahagi ng men’s tennis. Nanalo naman ang mga Filipina basketbolista matapos padapain ang koponan ng Myanmar, 21-4, para unang panalo sa bahagi ng women basketball 3×3.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close