Kakasuhan ng grupo ng mga abogado si Senador Koko Pimentel dahil sa paglabag sa quarantine protocol nang dalhin nito sa Makati Medical Center ang asawang buntis sa panahong naka-quarantine pa siya dahil sa contact sa nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Matatandaan na sa araw ring ‘yun lumabas ang resulta ng COVID-19 test ni Pimentel kung saan lumabas na positibo ito sa COVID-19.
Ayon kay Atty. Rico Quicho, kasama niya ang siyam na iba pang abogado sa paghahanda ng kaso laban kay Pimentel.
Maliban sa kaso, posible anyang isulong rin nila ang disbarment o pagpapawalang bisa sa lisensya ni Pimentel bilang isang abogado.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *