Walang babayaran ang sinumang pasyente na mahohospital dahil sa coronavirus disease (COVID-19).
Ito ang siniguro ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President Ricardo Morales sa mga Filipino ngayong Huwebes, Marso 26, na sinabing babalikatin nila ang lahat ng medical expenses ng mga nagkasakit dahil sa COVID-19.
“Lahat ng tatamaan ng COVID-19, wala sila dapat ilabas na pera, whether public or private hospital. Sasagutin ng PhilHealth,” ani Morales sa isang briefing.
“Whatever it takes, sasagutin ng PhilHealth,” giit pa niya.
The PhilHealth chief clarified though that those under home quarantine are not covered by PhilHealth since the agency could not compute their medication expenses.
Sa kabila nito, nilinaw naman ng PhilHealth chief na ang mga naka-confine lamang sa hospital ang kanilang sasagutin at hindi kasama dito ang mga naka-home quarantine at hindi saklaw ng PhilHealth dahil hindi naman nila ma-compute ang kanilang medication expenses.
Naipalabas na rin ng PhilHealth ang nasa P1.6 billion pondo sa mga pampublikong hospital para labanan ang virus, parte ito ng kabuuang P30 billion pondo na ilalaan ng PhilHealth sa mga hospital para sa COVID-19 crisis.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *