Naka-imbento and Philippine Army 2nd Infantry Division ng portable wash station laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Gawa ang portable wash station sa recycled drums at hindi na kinakailangang hawakan ang gripo sa pag operate nito.
Ayon kay 2nd Infantry Commander Major General Arnulfo Marcelo Burgos Jr., hindi lamang ito makakatulong sa mga sundalo at sibilyan, kundi isa rin itong para ipabatid sa publiko ang pagkakaroon ng tamang hygiene.
Plano rin anila na gumawa ng mas maraming portable wash station upang magkaroon ang bawat quarantine control point sa kanilang area of responsibility.
Samantala, bukas naman ang militar na ibahagi ang kanilang teknolohiya sa sinumang interesado upang magamit rin ito sa ibang lugar at mapagtulungan ang paglaban sa COVID-19.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *