PH ARNIS NI PEKAF PREXY(SEN)ZUBIRI MULTI- GOLD MEDALIST SA SEAGAMES

PATULOY ang makinang na performance ng Pinoy arnisador sa pagbuhos pa ng dalawang gintong medalya sa pampinaleng araw ng Arni’s event ng 30th Southeast Asian Games kahapon sa AUF Gym sa Angeles City.
Pinagharian nina Pinoy arnisador Cris Manuel Delfin at Mary Alllin Aldeguer ang men at women category sa Anyo- non traditional open weapon upang madagdag sa gold medal harvest.ng Philippine Arnis team na kumopo ng apat na ginto kamakalawa.
Sa ikatlong araw pa lang ng SEAGames ay maituturing na ang PH arms bilang goldmine para sa Team Philippines na bumabandera sa ituktok ng team standing.
Bunga nito ay itinanghal ni Philippine Eskrima Kalis Arnis Federation(FEKAP) president (Senator) Juan Miguel Zubiri na mga bagong bayani ang kanyang mga Arleta sa kabayanihan na buong giting na naghandog ng karangalan sa bansa.
“Nagbunga ang marubdob na preparasyon, sak- ripisyo,ensayo, exposures hanggang aktuwal na kumpetis-yon kung saan ay umani ng maraming ginto para sa ating bansang Pilipinas”, buong pagmamalaking wika in Senator Zubiri kasabay ng kanyang pasasalamat sa Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee sa suporta.
“ It doesn’t end here.Patuloy ang PEKAF sa development ng naturang larangan para sa mga future pang international events.

  • 7
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    7
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close