25 PARKING MTPB ATTENDANTS SIBAK SA OVERCHARGING NG PARKING FEE

ARESTADO ang isang 39-anyos na lalaki na nagpanggap na miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos na ireklamo ng pangingikil ng pera sa mga drivers ng truck, kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Raxabago St. sa Tondo, Maynila.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 177(Usurpation of Authority of Official Functions) na inamyendahan sa Republic Act 379 at Article 179 (Illegal Used of Uniform and Insignia) of the Revised Penal Code, ang suspek na si Jhon Mar dela Cruz, residente ng Brgy.123 sa Moriones St.,Tondo.
Ayon kay  P/ Major Rosalino Ibay  Jr., hepe ng Manila Police District- Special Mayor’s ReactionTeam ( MPD-SMaRT),  3:00 ng hapon nitong nakaraang Miyerkules, nang bitbitin ng mga tauhan ng MTPB si Dela Cruz , dahil na rin umano sa sumbong ng ilang concern citizen sa ginagawang pangongotong nito sa mga driver ng truck na dumaraan sa Raxabago St., patungong North Harbor, Tondo, Manila.
Inaresto ang suspek nina Jules Duane Santos, team leader ng MTPB; at  Rodelio Castro, team leader rin ng MTPB. At nang sitahin, wala itong napakitang Identification Card pero nakasuot ng uniporme ng MTPB, habang nagmamando ng trapiko sa panulukan ng Juan Luna St. at Raxabago St.,sa Tondo.
Dinala sa tanggapan ng MTPB si Dela Cruz, at ipina- blotter, matapos itinurn over  sa tanggapan ng MPD-SMaRT para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *