VP Robredo tututok sa pagtugis sa drug suppliers bilang ICAD co-chair - Sen. Lacson

Nakahandang tumulong si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar kay Vice President Leni Robredo na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay Andana, buo ang suporta ng buong cabinet members at tiniyak ng Malakanyang na tutulong sa bise presidente.
Sinabi ni Andanar na ang kaniyang opisina ay nakahandang magbigay ng tulong sa ICAD para sa mga ilalabas na communication campaign.
Sa pamamagitan ng PCOO ay maibabahagi at maipaparating nila sa publiko ang mga resulta ng ginagawa ni Robredo bilang drug czar.
Kabilang sa tutulong na mga ahensya na nasa ilalim ng PCOO ay ang Public Information Agency (PIA), Radyo Pilipinas, Philippine News Agency, PTV 4 at National Printing Office.

  • 5
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    5
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close