Tinanggal sa serbisyo ang isang PCG personnel matapos mapatunayang nagpick-up ng babae gamit ang goverment vehicle malapit sa isang videoke bar sa Quezon City noong Disyembre 2019.
Ito ay makaraang ipag-utos ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, Admiral Joel S Garcia.
Base ito sa rekomendasyon ng mother unit ni Seaman Second (SN2) Abulhair S Turabin, ang PCG–Logistics Command may da-lawang linggo na ang nakararaan.
Si Turabin, nanunungkulan sa Real Estate Management Office sa ilalim ng PCG–Logistics Command.
Matapos matanggap ang reklamo, agad na isinailalim sa Turabin sa preventive suspension habang iniimbestigahan ang kaso at matapos ang masinsinang imbestigasyon, ibinahagi ni PCG Spokesperson Capt. Armand Balilo na napag-alamang ‘guilty’ si Turabin matapos nitong gamitin ang sasakyang inisyu sa kanya ng kanyang immediate supervisor para sa isang personal na gawain sa dis-oras ng gabi.
Malinaw na labag ito sa regulasyong ipinatutupad sa mga miyembro ng uniformed armed service at iba pang lingkod ng gobyerno.
Dahil dito, ipinag-utos ng PCG ang agarang pagtanggal sa serbisyo ni Turabin dahil sa paglabag sa kanyang sinumpaang tungkulin.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *