PBA Game 3 Finals ... 2-1 na ang Ginebra!

KAALINSABAY ng pag-aalburuto ng bulkang Taal, may sarili namang pasabog ang Barangay Ginebra matapos ilatag ang maalab na opensa kalagitnaan para pakainin ng alikabok ang Meralco, 92-84, nitong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
Matikas na umalma ang Ginebra para igapos ang unang parte kaakibat ang three-point play mula kay Justin Brownlee, at tuloy tuloy na lumagok ang Gin Kings para silaban ang Bolts at akuin ang unahan sa serye, 2-1 sa PBA Governors Cup best-of-seven finale.
Lumamlam buhat sa dikdikang first-half battle, lumabas ang Bolts sa Big Dome na humaharap din sa mabuway na sitwasyon ni Raymond Almazan.
Ang 6-foot-8 center player na nilimitahan sa anim na minutong aksyon sa Game Three, ay di na nakabalik makaraang nasaktan ang sakong sanhi ng masamang bagsak sa kanyang tangkang opensiba.
Sa katunayan pag-alis ni Almazan, nagawang burahin ng Bolts ang 11-point deficit pero naiwanan sa ikatlong kanto, 58-78, at hindi na nakarekober.
Kung saan balik sa arangkada ang Kings sa tsansang maibulid ang komandong 3-1 bentahe sa Game Four Biyernes sa Big Dome.
“It’s a collective effort. Credit also to my teammates dahil lahat talaga nag-step up sa opensa at sa depensa. We know they’re one-man down on the early exit of Raymond Almazan, and we took advantage of it,” ani Japeth na sumalansan ng 23 points, 7 blocks at 4 rebounds kontra isang turnover.
Humakot si Brownlee ng 24 puntos, 9 rebounds at 9 assists, si Stanley Pringle ay may 21 points, 5 boards at apat na hatag habang si LA Tenorio ay sumilab ng 11 points, kasama na ang tatlong three-pointers.
Huling nagpasabog si Tenorio ng tres matapos pigilin ng Bolts at habulin ni Allen Durham at kanyang katropa ang ungos para mailapit ang iskor sa 82-87.

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *