PBA Finals: Almazan, ‘missing link’ sa Meralco!

Kinakailangang kumayod ng todo ang mga higante ng Meralco matapos na mawala ang inaasahang pader na si Raymond Almazan at duda ngayon kung makakalaro pa sa Game 4 ng PBA Governors’ Cup finals kontra Barangay Ginebra o kaya’y sa mga nalalabi pang aksyon sa serye dahil sa lateral meniscal tear ng kanyang kaliwang tuhod.
Matinding bumagsak si Almazan para sana maiporma ang undergoal stab at iika-ikang nilabas sa giyera may anim na minuto sa Game 3, na naging pasakit na maiwan ang malaking kakulangan sa gitna ng Meralco na naging puhunan naman ng Gin Kings para itawid ang 92-84 win at iposte ang 2-1 ungos sa serye.
“It’s a big blow. Raymond has been playing great this series – rebounding, defense, putback scoring. So, it’s definitely a big loss. We’ll see if he can come back but if not, everybody else got to step up. Next man up,” bulalas ni Bolts import Allen Durham.
Ang posibleng pangunahing pupuno ay si Bryan Faundo, na mahusay ang ipinamalas at umiskor ng 10 pinch-hitting para kay Almazan sa G3, at ang bihirang gamiting si Reynel Hugnatan, na beterano na ng laksang PBA playoffs wars.
Ang 6-foot-8 na si Almazan, na hinugot ng Meralco sa mid-season trade sa Rain or Shine, ay may averaged 17.5 points, 11 rebounds at 1.5 blocks sa unang dalawang laro ng finals, na naging malaking suporta para kay Durham, ang pangunahing itinataboy sa depensa ng Kings.
Sinabi ni Coach Norman Black na ang pagkawala ni Almazan sa Game 3 ay naging kalbaryo para sa Meralco, kung saan sinamantala ni Ginebra’s Japeth Aguilar ang pagkaripas na pomoste ng 23 points, at 7 blocks.
“Our biggest concern is the fact that when Raymond was not around. You saw what happened with Japeth, he pretty much ran wild out there on the court,” panlulumo ni Black.

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *