Street vendors, balik-Divisoria - Yorme

Maagang Pamasko para sa mga driver at operator ng mga pampasaherong jeep na may byaheng Divisoria ang ibinigay na handog ng pamahalaang lungsod ng Maynila.
Inilibre o inako kasi ni Mayor Isko Moreno ang penalties ng mga nahuling drayber na nagka-cutting trip matapos na mangako ang mga ito na ititigil na ang pagiging pasaway.
Sa kanyang paki-kipagpulong sa halos isang daan driver at operators na nahulihan ng kanilang mga lisensya dahil sa pagka-cutting trip sa Maynila, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na mahigpit nitong ipinatutupad ang kaayusan sa lungsod.
Mariin namang banta ni Mayor na kapag nahuli sila ulit ay hindi siya magdadalawang isip na irekomenda ito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tanggalan ang mga drayber maging ang mga operator nito ng lisensya.
Labis namang ikinatuwa ng mga drayber ang regalong handog ni Yorme at nangakong hindi na sila sila magka-cutting trip sa Maynila.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *