NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang lalaki na tumalon mula sa pampasaherong barko sa bahagi ng karagatang sakop ng Sangley Point, Cavite, kahapon ng umaga.
Galing ng Maynila ang barko at patungong Cebu City nang makatanggap ng tawag ang PCG kaugnay sa insidente.
Agad na rumisponde ang PCG at nagsagawa ng Search and Rescue (SAR) operation upang mailigtas ang 44 anyos na residente ng Badian, Cebu City.
Tumulong din ang fishing boat na lulan ng tatlong tripulante sa pagsagip sa pasahero na agad dinala sa Barangay Ligtong-1, Rosario, Cavite para sa medical assistance.
Nakipag-ugnayan narin ang SAR team sa pamilya ng pasahero upang ipagbigay alam ang insidente.

 

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close