PAGTRATO SA MOTORCYCLE TAXI SERVICES DAPAT PATAS SA LAHAT!

Bukod sa tindi ng trapikong dinadanas sa METRO MANILA ay problema pa rin ng mga may sasakyan ang kanilang mga mapagpaparadahan na sinasabing masosolusyunan na ang suliraning ito sa pamamagitan ng MOBILE PARKING APP.
Sa isinagawang press conference ng LAWYERS FOR COMMUTERS SAFETY AND PROTECTION DIBZTECH INC na nirerepresenta ni ATTY. ARIEL INTON, ang isang ipinagpoproblema ng mga may sasakyan o kotse ay ang lugar na kanilang pagpaparadahan,kung saan ay kumukunsumo pa ng mga 20 minuto bago makapagparada at makapasok sa opisina o kaya ay saka lamang mahaharap ang sinumang kamiting.
Aniya, ang problemang ito ay masosolusyunan ngayon ng Dibz mobile application.., na ang naturang app ay maaari kang makatawag ng DIBZ VALET para ito na ang magmaneho ng inyong kotse patungo sa.lugar na pagpaparadahan. Maaari ka ring makakuha ng magmamaneho para sa kotse mo saan mo man gustuhing magtungo.
Sa mga nagnamay-ari naman ng.mga gusali at may malawak na parking space ay maaari ring makipagtuwangan sa DIBZ upang kumita ang inyong parking space na nakatiwangwang lamang o wala namang gumagamit pa.
Ang sinumang magnanais na makipag-tie-up sa DIBZ ay maaaring mag-inquire sa info@dibzparking.com o kaya ay tumawag sa (02) 470-2618.
Inihayag pa ni INTON na ang pinakabagong app kasama ang DIBZ CEO at CO-FOUNDER na si DONALD SAUROMBE, na walang magiging hazzle o hazzle free ang paggamit ng DIBZ APP para madaling mahanapan nang mapagpaparadahan ang mga minamanehong sasakyan. Makakaasa aniya ang publiko na ligtas ang kanilang sasajyan dahil may VALET SERVICES at importante rito ay mayroon pang INSURANCE ang sinumang gagamit ng makabagong app at maaari ring mapagkakitaan ng mga may sariling parking spaces o garahe.
“Maganda rito e naka-save ka na ng oras, gasolina at may guide pa ang sasakyan mo para hindi ka na.magpaikot-ikot pa sa paghahanap ng mapaparkingan… hindi ka mapupuwesto sa illegal parking space,” pahayag ni INTON at aniya ay handa niyang ipakita ito sa mga local government units para mairekomenda bilang alternatibong solusyon sa matinding daloy ng trapiko.

BIBINGKA WAFFLE…  BAGONG FRANCHISE FOOD?

Yes mga ka-ARYA… noong una, akala ko e isang klase lang ang BIBINGKA na iyan ang iniluluto sa pamamagitan ng uling..,pero may makabago na rin palang nalikha ang isang kusinero o CHEF na ang BIBINGKA ay nagawang BIBINGKA WAFFLE… na tinagurian niya etong “BIBI-WAF”.
Ang nakalikha ng ganitong klase ng pagkain ay ang INTERNATIONAL CHEF at FOOD CONSULTANT sa mahigit na 13-taon na si CHEF JV ROMERO at ngayon ay handa na niyang ihain sa komersiyo ang BIBI-WAF dahil pumartner sa kaniya ang mga kaibigang sina BANKER; BUSINESS CONSULTANT LEON IGNACIO; ang mahigit 20 years na sa larangan ng ADVERTISING INDUSTRY at ART DIRECTOR AND GRAPHIC DESIGNER ALMA MONTAÑO; at si ANTHONY ROSALDO na isang SINGER, TV HOST at ACTOR.
Ang endorser nitong BIBI-WAF ay sina ANTHONY ROSALDO, GJ CARLOS at ang model and LeVon Girl na si ALY JEI na ang grand opening ng BIBI-WAF sa MAKATI CITY ay sa FEBRUARY 1 ng kasalukuyang taon.., at sa darating na March ay open na ang BIBI-WAF para sa FRANCHISE. Sinumang nais magnegosyo nito ay maaaring kumontak sa 48819-1914 o kaya ay sa +639954750018.

***

Kung kayo po ay may mga puna o reklamo lalo na sa mga nababatikos ng ARYA ay maaari kayong mag-email sa irwincorpuz22@gmail.com para sa inyong panig o kaya ay magtext sa 09997806557.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *