Kinunpirma ng Philippine National Police na isang pari ng PNP Chaplain ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ayon kay Maj Duds Santos, OIC PNP Gen Hospital, ang nasabing pari kasalukuyan umamo naka-confined sa St. Luke’s Hospital at bumubuti na ang kalagayan nito.
Pinabulaanan rin ni Santos na dalawang pari ang nagpositibo sa nasabing sakit.
“Actually isa lang ‘yung naka-confine. The other priest is only a close contact. So hindi  totoo ‘yung 2 pari ‘yung nag-positive. Actually ‘yung isang ‘yun na nag=positive reported by DOH is nandun na sa St. Lukes,” paliwanag ni Santos.
Aniya, matapos ma-quarantine ang lahat ng mga nakasalamuha ng pasyente habang patuloy naman  naka-confined at nagpapagaling sa ospital ang pasyenteng pari.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *