GINULANTANG ng Binangonan Challengers ang defending champion San Juan Knights matapos daigin ng una 85-79 upang makauna sa kanilang best of three semifinals showdown ng Community Basketball Assocition (CBA) Pilipinas Executive Cup sa Binangonan Sports and Recreation Center. nitong nakaraang weekend.
Dikit ang laban mula simula kung saan ay abante ang Knights sa halfting 42-41 hanggang sa deciding endgame nang sumiklab ang Chanllengers tungo sa panalo upang mapalapit sa kampeonato sa ligang inorganisa ni CBA founder Carlo Maceda.
Sinelyuhan ni CJ Gonzales ang panalo ng Binangonan sa kanyang fastbreak lay-up sa huling 47 segundo upang umabante ng 6 at di na naabutan pa ng San Juan.
Topscorer si Felipe Chavez sa kanyang 20 puntos
Dinurog naman ng Parañaque Flyers ang Palayan City Capital, 94-75 upang umangat din ng isang panalo sa kanilang best-of three semifinals.
Ang magiging panalo ng Binangonan at Paranaque sa game 2 ay mangangahulugan nang kanilang engkuwentro para sa kampeonato ng CBA men’s division.
(DANNY SIMON)

***

Manuel at Tratter dagdag puwersa sa Gilas Pilipinas

NAGDAGDAG pa ng puwersa ang Gilas Pilipinas para sa pagsabak nila ng first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.
Ito ay sa katauhan nina Vic Manuel at Abu Tratter ng Alaska Aces.
Si Manuel ay naging bahagi na ng SEA Games kung saan naging coach si Tim Cone noong nakaraang taon habang si Tratter ay nakasama na rin sa Gilas sa second window ng FIBA World Cup Qualifiers noong 2018.
Papalitan ng dalawa sina Christian Standhardinger at Mac Belo na umatras sa torneo dahil sa may iniindang injury ang mga ito.
Nauna ng kinuha ng Gilas si Phoenix Pulse Justin Chua na papalit kay Japeth Aguilar dahil ito ay nasa honeymoon.
Ang nasabing mga manlalaro ay karagdagang puwersa sa mga origihinal na napili na sina Poy Erram, Isaac Go, Marc Pingris at Troy Rosario.
Magsisimula ang first window ng qualifiers sa Pebrero 20 na makakaharap ng mga ito ang Thailand at susundan ng Indonesia sa Peb. 23.

***

Pacquiao lumagda sa kompaniya ni McGregor

UMUGONG ngayon ang isyu sa posibilidad na paghaharap sa nalalapit na panahon nina boxing legend Manny Pacquiao at mixed martial arts superstar Conor McGregor.
Ito ay makaraang pumirma si Pacquiao, 41, sa Paradigm Sports Management ang kaparehong kompaniya ng 31-anyos na si McGregor.
Ang naturang management deal ay posible raw maging daan para mabuo ang mega-fight sa pagitan ni Pacman at McGregor sa isang boxing match.
Noong lamang January 18 sa naging laban ni McGregor ay inilutang din niya ang pangalan ng Pinoy boxing icon para sa next fight.
Kung maalala noong taong 2017 nang magharap sina McGregor at retired boxing champion Floyd Mayweather Jr. kung saan kumita ito ng 4.3 million pay-per-view (PPV) buys.
Ang laban naman ni Pacquiao (62-7-2, 39 KOs) kay Mayweather noong 2015 ay umani ng 4.4 million buys sa PPV.
Samantala sakali naman matuloy ang paghaharap nina Pacquiao at McGregor posibleng makakalaban niya ngayong taong 2020 sinuman kina Mikey Garcia, Danny Garcia o kaya si Errol Spence Jr.

***

FIBERKINETICS, 3×3 CAGING, BOXING AT RUNNING SA TOPS USAPANG SPORTS

IHU-HOST ngayon ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ang boxing, 3×3 basketball at marathon para 55th “Usapang Sports” sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
Ang dating world boxing champion na si Merlito “Tiger” Sabillo ay tatalakayin ang kanyang tsansa kontra Sho Kimura ng Japan sa kanilang “Final Showdiwn at the Manila Arena sa Sabado.
Ang Sabillo-Kimura fight ay tampok sa “Deadly Combination” blockbuster card ng Highland International Boxing Promotion ng Brico Santig mula La Trinidad, Benguet.
Si Fiberkinetics 3×3 basketball at three-point shootout organizer at tagapag- implementa ng programa sa basketball sa pangunguna ni sales and marketing manager Ian Navarrosa, ay tatalakayin ang nationwide competition sa mga malls at mga barangay sa paparating na summer. sa ayuda ng mga LGU’s.
Ang Fiberkinetics ay kumpanyang manufacturer ng mga hi-tech scoreboards,basketball courts, fiberglass board, benches at flooring
Dadalo rin sa 10 a.m. public service program na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR,at Community Basketball Association sina Binibining Marathoner race organizer Silamie Apolistar-Gutang at race director Joseph Balbino.
Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga officers at members, pati na friends in the sports community, na lumahok sa weekly public service program na matutunghayan sa Facebook live via Glitter Livestream.
Binubuo ang TOPS ng mga editors, reporters at photographers ng mga pangunahing national tabloids sa bansa.
(DANNY SIMON)

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *