Para tumagal sa inuman: Pulis inalok ng shabu ng mangingisda

PUNO ng pagsisisi ang isang mangingisda matapos alukin ng shabu ang isang pulis para tumagal umano ito sa tagayan sa Navotas City.
Sa karsel humantong ang mangingisdang si Lerick Razon, 26, ng Barangay San Roque, Navotas City, matapos makumpiskahan ng halos P40,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa nasabing barangay.
Isinagawa ng Navotas City Police Station Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency ang nasabing operasyon 10:30 ng gabi.
Isang parak ang lumapit sa mangingisda at sinabing kukuha ng malalaking isdang pang-ihaw at sasabawang ulo.
Sa tagpong ito, lakas-loob umano na ibinida ni Razon na bukod sa isda, mayroon pa siyang ibang panindang “pang mahaba-habang inuman”.
Tinindihan naman ng poseur buyer ang pagganap na adik at sinabing kukuha siya ng halagang P300 saka iniabot sa target ang marked money. Nang iabot ni Razon ang isang sachet ng shabu sa underco-ver cop, agad siyang dinamba nito.
Sa kabuuan, 11 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P39,440 ang nakuha sa mangingisda na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *