PAGLOBO NG TEENAGE PREGNANCY SA BANSA

NALAGAY na naman sa kontrobersiya si National CapitalRegion Police Office (NCRPO) Acting Director PBGEN. DEBOLD SINAS makaraang paratangan na nambastos daw ng isang babaeng TVreporter nitong Biyernes ng umaga.
Sa ulat ng ilang media entities, magkokober daw sana sa isang event ng NCRPO sa Maynila ang mamamahayag kung saan nagsasagawa naman ng ocular inspection sa mga oras na iyon si Sinas kasama ang mga opisyal ng ManilaPoliceDistrict (MPD) sa Quiapo Church bilang paghahanda para sa Traslacion 2020.
Naunang sinabi raw ni MS. DARLENE CAY ng GMA 7 na nagkataon lang na nasa lugar siya at nilapitan niya si Sinas para tanungin tungkol sa inspeksiyon.
Gayunman, pinahiya at sinopla raw ni Sinas ang reporter nang magtatanong na sana ukol dito.
Sinabihan daw ito ng mamang heneral na “mamaya na lang”dahilmag-isapa lang ang dalaga na nagkokober sa lugar.
Reklamo pa ng lady reporter, tinakpan daw ni Sinas ng kamay nito ang kanyang mukha bago siya tinalikuran ng opisyal.
Sinasabing kinulit pa ito ni Cay at pinahiya raw ulit siya ng heneral.
Kaya agad na nagpalabas ng reaksiyon ang National Press Club (NPC) hinggil sa isyu.
Para sa NPC, sana raw ay nagingprofessionalsi Sinasatigalang ang mediananagbabalita lang naman sa mga aktibidad ng NCRPO at ibapang sangay ng pamahalaan.
Sa ngalan naman ng patas na pamamahayag, sinikap kong makuha ang panig ni PBGen. Sinas sa pamamagitan ni PMAJ. BRITZ ESTADILLA.
“We are saddened by the information that one TV reporter [Ms. Darlene Cay] from GMA 7 allegedly felt stifled by PBGen. Sinas earlier this morning during the initial walkthrough at Quirino Grandstand, Independence Road, Ermita, Manila with regard to the intensified security operations to be undertaken during the Traslacion 2020,” ayon sa statement ng NCRPO Chief na ipinarating sa inyong lingkod.
“In reality, the media personality interrupted the ongoing conversation between PBGen. Sinas, Monsignior Hernando Coronel, the Head of Quiapo Church, Mr. Alex Limbaga and Nazareno hijos with regard to the upcoming traslacion. She [Cay] literally butted-in without permission in the middle of the conversation. Thus, PBGen. Sinas politely turned down her request and quoting his words, he said: ‘Sandali lang Miss, nag-uusap pa kami’. The reporter was however persistent and once again interrupted them prompting PBGen. Sinas to reiterate his earlier request.”
Ipinagdiinan ni Sinas na hindi siya anti-media.
“The chicanery that he is anti-media of some sort is far from being true. In fact, despite the earlier pronouncement on protocols as to ambush interviews, PBGen. Sinas still accommodated the same media personality, sometime, when she asked permission to interview him for some details pertaining to the turn-over of Ceres Bus to be utilized for SEA Games,” pahayag pa ng kampo ni Sinas.
“NCRPO Acting Chief never intended to stifle said reporter or any person for that matter. He greatly respects our friends from the media and acknowledges their indispensable part in public service. He however pleads observance of existing protocols and policies for a more systematic and efficient coordination and information sharing in consideration of the complexity of police work.”
Well, para sa akin, matagal na namang magkakampi at magkatuwang sa kani-kanilang trabaho ang Fourth Estate o fourth power at ang PNP.
Bilang night shift reporter ng DWIZ 882 AM, bihira kong makita sa gabi itong si Sinas dahil natatapat din sa umaga ang media conferences niya.
Nakapagkober na rin naman ako minsan sa isang event na dinaluhan niya at hindi naman kami nakaranas ng bad treatment sa kanya.
Magalang ang mamang heneral at okey naman siyang kausap.
Sa totoo lang, lalong pinatatatag ng mga ganitong pangyayari ang samahan ng magkabilang panig.
Pagsubok lang ito sa hanay ng media at pulisya.
Parang pamilya lang naman tayo na minsan nag-aaway at nagkakatampuhan pero sa bandang huli ay nagkakaayos din.

***

PARA sa inyong mga reaksyon, suhestiyon at reklamo, maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook account at FB page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat po!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *