KAHIT umabot pa ng 28 years ang kanyang paghihintay, hindi nabigo ang ang estudyanteng atleta mula sa Baguio para bigyang karangalan ang Pilipinas at makalahok sa masasabing ultimate sports event ng daigdig—ang Olympic Games ngayong taon sa Tokyo, Japan.

Makakasama ni University of Baguio (UB) criminology student Irish Magno ang isa pang Baguio athlete na si judoka Jerry Diño, at gayun din ang two-time Olympian na si Hector Begeo ng athletics at kasamahang boksingero ni Magno na si Eumir Marcial.

Tinalo kamakailan ng Pinay si Sumaiya Qosimova ng Tajikstan sa isang one-sided

30-24, 30-24, 30-25, 30-25 match para mag-qualify bilang ika-apat na Pinoy na lalahok sa Olimpiyada. Isang comeback ang panalo para kay Magno, na unang nagapi ng Indian at dating world champion Mary Kom sa quarterfinals na nagging saksi rin sa paglisan ni world champion at top seed Nesthy Petecio.

Napanalunan ng kasamahan niyang boksinerong si Marcial ang gintong medalya sa Amman, Jordan Asia-Oceana Olympic Qualifiers.

Binati si Irish ng kapatid niyang si Cheryl, na dating miyembro ng UB women’s basketball team, dahil sa pagiging kauna-unahang Pinay na lalahok sa Olympic Games.

“Congratulations Nene Magno,” wika ng nakababatang Magno, na nakabalik na sa kanila sa bayan ng Januiay sa Iloilo matapos na kumpletuhin ang kanyang kurso sa criminology sa UB.

“UB is very proud of Irish as she has worked very hard and sacrificed a lot to achieve her goals. She is still not done with her journey, so we, along with the entire nation, will be rooting for her and all the other Philippine athletes in the coming 2020 summer Olympics in Tokyo, Japan,” wika ni UB president Javier Herminio Bautista sa panayam ng Philippine News Agency.

 

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *