Panelo umamin: DUTERTE KAILANGAN NA MAGPAHINGA!

INAMIN ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kailangan na talaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpahinga.

Sa panayam kay Panelo, sinabi niyang masyadong ‘workaholic’ si Pangulong Duterte.
Anya, maging ang mga kapwa lider sa katatapos lang na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Thailand ay napansin ang kondisyon ni Pangulong Dutertre, sinabing “overworked” na ito.
“May mga comment doon sa mga leader. ‘Your president looks overworked. Don’t let him work too much.’ ‘Yun lahat ang mga comment ng mga ano doon,” ani Panelo.
Ayon pa kay Panelo, sinabi na lamang nila sa ASEAN leaders na talagang masipag magtrabaho ang pangulo at nakadagdag sa kanyang kondisyon ang naranasang motorcycle accident.
“Sabi lang naman naming, ‘Actually yeah, he’s working very hard and at the same time he had an accident so that contributed to what you are seeing now,’” dagdag ng kalihim.
Ang pahayag ni Panelo ay matapos ang unang anunsyo ni Senador Christopher Bong Go noong October 24 na magkakaroon ng one-week break ang pangulo.
Magaganap anya ang break matapos ang partisipasyon ni Duterte sa 35th ASEAN Summit na naganap noong November 2 – 4, kungsaan hindi na tinapos ni Pangulong Dutertre ang summit at agad itong bumalik ng Pilipinas.
Wala pa namang kumpirmasyon si Panelo kung magpapahinga nga ng isang linggo ang presidente.
Ngunit sa kanyang palagay, posibleng bawasan lang ng presidente ang dami ng trabaho nito.
“Palagay ko lessen lang. Workaholic ‘yun eh. Ayaw papigil magtrabaho nang magtrabaho. You know the job of the President is just reading the briefers and signing papers. Matagal na trabaho ‘yunMost likely, he will lessen his volume of work para hindi siya masyadong pressured,” ani Panelo.

  • 8
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    8
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close