Truck ban at zero vendor utos ni Mayor Isko para sa Traslacion sa Huwebes

“IWASAN ninyo ang pamumulitika.”
Ito ang panawagan ni Mayor Isko Moreno sa lahat ng guro sa pampublikong paaralan sa Maynila at nagsabi rin na ang pamumulitika ay dapat na ihiwalay sa kanilang responsibilidad bilang mga tagapagturo.
Sa kanyang pakikipagharap sa mga guro ay sinabi ng alkalde na dapat alam ng mga ito ang pagtukoy kung ano ang tama sa mali.
Sa halip aniya na pamumulitika ang pagtuunan ng pansin ng mga guro na hindi bahagi ng kanilang trabaho, pagtuunan na lamang ng pansin aniya ng mga guro ang pagbutihin ang kanilang paghuhulma sa mga mag-aaral upang maging mabuting mamamayan at isama sa kanilang panalangin ang mga opisyal ng pamahalaang lungsod upang higit pang magkaroon ng ibayong lakas sa pagreresolba ng mga suliranin ng lungsod.
“Sana ipanalangin n’ýo sa Diyos na bigyan kami ng kaliwanagan ng isip, buti ng kalooban at lakas ng katawan sa lahat ng oras para maglingkod nang tapat at masinop,” ayon kay Moreno.
Bilang ganti, ipinangako naman ni Moreno at ng kanyang Vice Mayor na si Honey Lacuna na gagampanan nila ang kanilang tungkulin ng buong husay at katapatan sa abot ng kanilang makakaya.
“Sana ay huwag ninyong tularan ang mga barangay official na hanggang ngayon ay ‘di pa maka-move on… move on na tayo,’ pahayag ng alkalde na tinitiyak din na higit pang palalakasin ang mga benipisyong pang-kalusugan ng mga guro.
Kaugnay nito ay sinabihan ni Moreno na isumbong sa kanya ang sinumang pulitiko na lalapit sa kanila at makikialam sa kanilang trabaho.

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *