Akin pong ipinapaalam sa mga taga-Caloocan na isang miyembro ng ating Pamahalaang Lungsod ang nagpositibo sa COVID-19 kamakailan. Ito ay nakarating sa aking kaalaman ngayong araw na ito ayon sa ulat ng DOH. Sa kabutihang-palad, nakarekober na siya at gumaganda na ang kaniyang kalusugan.
Huling nagtungo sa City Hall ang ating kasamahan nitong Marso 3, 2020 o 13 araw na ang nakalilipas bago magpakita ng mga sintomas at ma-diagnose na taglay niya ang COVID-19.
Nang bumuti ang kalagayan, pinauwi na ng mga mangagamot ang ating kasamahan para doon na siya tuluyang magpalakas.
Suportado po natin at ng lokal na pamahalaan ang naturang opisyal at ang kaniyang pamilya sa kanilang pinagdaraanan ngayon. Tinitiyak natin na mahigpit ang ugnayan ng ating health officials sa kaniya para sa kaniyang pagrekober.
Natukoy na rin ang mga taong nagkaroon ng ‘close contact’ sa opisyal at pinayuhan na mag-self-quarantine base sa panuntunan na ipinatutupad ng Department of Health. Ipinag utos din natin ang agarang pagsara ng City Hall at muli nating pina disinfect ang buong gusali. Iniutos ko din ang mas mahigpit at ibayong pagpapatupad ng social distancing
Mula nang pumutok ang COVID-19 sa bansa, agad tayong nagpatupad ng mahigpit na pagsala sa mga taong pumapasok sa City Hall. Naglagay tayo ng mga alkohol sa iba’t ibang lugar at nagsagawa ng ‘periodic sanitation’ sa mga opisina at mga lugar na pinupuntahan ng mga tao sa City Hall para matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Nakatitiyak ang mga taga-Caloocan na patuloy ang serbisyo ng inyong lokal na pamahalaan upang mapigil ang lalong pagkalat ng sakuna. Magpapatuloy ang pagbibigay ng lokal na health officials ng ‘health advisories’ at sitwasyon ng ating lungsod ukol sa virus.
Hinihiling ko na patuloy na makibalita ang publiko sa mga kaganapan at sumunod sa ipinapayo ng mga awtoridad sa mga pag-iingat at pagpapalakas ng kalusugan.
Umasa po kayo na nangunguna ang kaligtasan ng mga kasamahan sa trabaho, pamilya at komunidad sa inyong Pamahalaang Lungsod. Patuloy nating suportahan ang isa’t isa habang hinaharap natin ang mahirap na sitwasyong ito.
Hinihiling ko rin sa ating mga empleyado ng City Hall lalo na ang mga nasa ‘frontline services’ na pag-ibayuhin pa ang pokus sa trabaho at tiyakin na hindi maaampat ang serbisyo-publiko sa mga mamamayan ng Caloocan.
Sa tulong ng Maykapal malalagpasan natin ito.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

One thought on “Pahayag ni Mayor Oscar “OCA” Malapitan sa COVID-19”

  1. That is very fascinating, You are an excessively skilled blogger. I have joined your rss feed and look forward to in the hunt for more of your great post. Also, I have shared your web site in my social networks!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *