Cagayan de Oro – Naudlot ang kaligayahan ng magkalaguyo nang mahuli ang mga ito sa aktong nagtatalik ng misis sa loob ng isang lodging house dito sa lungsod.
Dinala sa Maharlika Detention and Rehabilitation Center sa lungsod ang magkalaguyo matapos silang ireklamo ng ‘concubinage’ ng misis na isang barangay kagawad sa Misamis Oriental.
Sa report, nahuli ang magkabit na hindi pinangalanan sa lodging house sa Barangay Kauswagan dito sa lungsod.
Kuwento ng misis, natunton niya ang ginagawang pangangaliwa ng mister sa pamamagitan ng ‘Global Positioning System’ o GPS na nilagay nito sa sasakyan.
Nang makumpirmang magkasama ang mister at kanyang kabit na babae, agad itong humingi ng tulong sa pulisya at tinungo ang lodging house na nagresulta sa pagkakadakip sa mga magkalaguyo.
Sinabi ng misis wala siyang plano iurong ang demanda laban sa mister at kabit nito.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

One thought on “Pahamak na GPS: Mister at kabit natunton ni misis sa motel”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *