Pagpuna sa ‘Manila’ song ni Mayor Sara, kinatigan ni Panelo

Pumanig ang Malakanyang sa sinabi ni Davo City Mayor Sara Duterte sa hindi tamang pagpili ng mga song organizers sa pagpasok ng Philippine delegation sa pagbubukas ng seremonya ng ika-30th Southeast Asian Games nitong Sabado.
Inilabas sa isang instagram ni Sara na kaniyang ipinakitang dismayado sa napiling kanta, na sinopla ang kantang Manila na dapat kinokonsidera na kung saan ang mga atleta at hawak ang bandila ng Pilipinas.
“Perhaps because of the title ‘Manila’ itself, then she would be right it does not represent the entire Philippines,” ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo sa press briefing sa malakanyang.
“’Yung kantang ‘yun parang Maynila lang ang applicable eh.”
Nagbigay ng suhestyon si Panelo na dapat ang composers ay may kantang na nakalagay na hindi lamang ang Manila dapat ang buong Pilipnas: Luzon, Visayas, at Mindanao.”
Gayunman inamin ni Panelo na ang publiko nasa loob ng Philippine arena sa Bulacan ay nagustuhan ang pambungad na kanta.
Kahit na si Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Ronald “Bato” dela Rosa ay napapasayaw sa himig ng tugtugin ng Manila na naging tanyag noong 1970.
“The people there, the crowd there liked it, lapped it up. They were all dancing, I was also dancing, all of us,” sinabi ni Panelo.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close