Pagpatay sa brodkaster pinaiimbestigahan ni Duterte

Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang masusing imbestigasyon sa pamamaslang sa isang radio broadcaster sa Dumaguete City para mahuli ang nasa likod nito at mabigyan ng hustisya.
Si Dindo Generoso, 67-anyos ay papasok sa kaniyang pang-umagang radio program sa istasyon ng dyEM nang tambangan at pinagbabaril habang sakay ng kaniyang kotse ng hindi nakilalang riding in tandem sa Barangay Piapi.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay, ayon sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).
“We would like to condemn the killing of broadcaster, blocktimer Dindo Generoso,” pahayag ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa press briefing sa Malakanyang.
“The President has directed the authorities to conduct a thorough investigation and to prosecute those behind the killing.”
Samantala sinabi naman ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, PTFoMS co-chair, na isang inter-agency body ay kanilang mabibigay na legal assistance at ibang suporta na kakailanganin ng pamilya Generoso.
Sa tala ng PTFoMS, halos 22 blocktimer ang napatay mula pa noong 2003.
Ayon sa PTFoMS si Generoso ay isang “anchor for development program ng local government.”
“Blocktimers have been particularly vulnerable because of their involvement with politicians as a whole. The Task Force calls on our various media groups and stations, and all media practitioners to take a deeper look into the practice of blocktiming vis-à-vis its inherent dangers,” wika pa ni PTFoMS Executive Director Joel Sy Egco.
Dati nang tumakbo si Generoso sa pagka-mayor sa Dumaguete City noong 2016 ngunit natalo sa kaniyang kalaban na si incumbent mayor Felipe Antonio Remollo.
Ang kaniyang pagkamatay ay ang pangalawang pananambang sa isang mamamahayag mula pa noong 2018 na isang local media personality ang napatay sa nasabing siyudad. (Vanz Fernandez)

  • 46
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    46
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close