PAGPAPATUPAD NG 4-DAY WORK WEEK, PAG-AARALAN PA NI DUTERTE

Pag-aaralan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ni House Minority Leader Benny Abante na magpatupad ng four-day work week para maibsan ang trapik sa Metro Manila ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ayon sa pangulo, kukunsultahin niya muna ang kaniyang Gabinete lalo na si Labor Secretary Silvestre Bello III.
“I have to discuss it with the — I have to discuss it with the Cabinet. I have to discuss it with Bello and the rest,” pahayag ng pangulo.
Dagdag ng pangulo, pakikinggan niya muna ang mungkahi ng mga opisyal ng gobyerno.
“I am open to… I have not yet decided really. I just want to hear,” ani Pangulong Duterte.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *