Pagpapalaya ng mga hinuling kasamahan giit: MILITANTENG GRUPO SUMUGOD SA MPD HQ

NAGSAGAWA kahapon ng kilos protesta ang iba’t ibang militanteng grupo sa harapan ng Manila Police District (MPD) Headquarters para igiit ang pagpapalaya sa tatlong aktibista sa isinagawang pagsalakay sa tanggapan ng militanteng grupong Bayan noong Nobyembre 5 ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Alas-11 ng umaga nang dumating sa MPD Headquarters ang mga militanteng grupo na pinangungunahan ng grupong Bayan bitbit ang tarpaulins, na may nakasaad na “ Stop the attack, Defends people’s Right”.
Ipinanawagan ng grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na palayain ang mga bilanggong politika.
Gayundin, hiniling ng grupo na itigil ang pag-atake laban sa mga taga suporta nito, at itigil ang pagtatanim ng mga ebidensya sa mga tanggapan ng iba’t ibang organisasyon .
Nabatid na ang mga naarestong sina Ram Carlo Paculba Bautista, Manila Campaign Director ng Bayan; Alma Estrada Moran, secretariat ng Manila Workers Unity; at Reina Mae Asis Nasino na Manila coordinator ng Kadamay.
Ang tatlo ay inaresto sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa Bayan Manila office sa 672 Flora Street, kanto ng Clemente Street sa Tondo, 1:15 ng madaling araw noong Nobyembre 5.
Bitbit ng mga pulis ang search warrant # 5945 (19) sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at SW # 5944 (19) sa kasong paglabag sa RA 9516 (Illegal possession of explosives) na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court Judge Cecilyn E. Burgos-Villavert ng Branch 89 nang isagawa ang pagsalakay.
Nakarekober umano ang mga pulis ng ilang sandata na kinabibilangan ng isang bushmaster caliber 5.56 xm15-E26 serial number (SN) L098028; dalawang short magazine ng cal. 5.56 mm; 45 bala ng caliber 5.56 mm; isang colt MK4 Series 80 caliber 45 SN 772535; isang magazine para sa caliber 45; walong bala para sa caliber 45; isang colt automatic caliber 45 SN 753234; isang magazine para sa kalibre 45; walong bala para sa kalibre 45; at dalawang hand grenade. Nakuha rin ng mga pulis mula sa tanggapan ang mga bag, iba’t ibang uri ng cellphones at laptops.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close