PAGPAPALAWIG SA TERMINO NG MGA POLITIKO, MALABO! - SEN. VILLAR

KUMPIYANSA si Senadora Cynthia Villar na dadaaan sa matinding proseso at konsultasyon ang isinusulong ng House of Representatives na pagbabago sa Saligang Batas.
Ayon kay Villar, sakaling maiakyat ito sa Senado ay mahihirapan itong agad makapasa dahil dadaaan ito sa masusing konsultasyon sa publiko.
Giit pa ng senadora, kapag ang usapin ng Cha-Cha o pagbabago ng Saligang Batas, maraming Pilipino parin ang tumututol dito.
Binanggit ng senadora ang mga nakaraang administrasyon na sinubukang isulong ang Cha Cha subalit bigo, dahil ayaw aniya ng taongbayan ang pagbabago sa Konstitusyon lalo na sa usapin ng pagpapahaba sa termino ng mga nanunungkulan.
Inihain kamakailan sa Kamara ang pagsusulong sa pagbabago ng Saligang Batas na agad tinutulan ng Makabayan bloc.

  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *