PAGLIKHA NG MDDA SUPORTADO NI GO

INIHAYAG ni Senador “Bong” Go na susuportahan niya ang paglikha ng Metropolitan Davao Development Authority (MDDA) na isinusulong ng local government units (LGUs) sa Davao Region.
“Pabor ako diyan. Kapag umabot sa Congress ang panukalang ‘yan, susuportahan ko. Susuportahan ko kung ano ang makabubuti dito sa rehiyon natin,” ang sabi Go matapos siyang dumalaw sa gymnasium sa Barangay 5-A, kung saan siya namahagi ng financial at relief assistance sa mga naging biktima ng sunog.
Nauna rito, inanunsyo ni Davao City Mayor Sara Duterte noong January 10 na anim na LGUs sa Davao Region ang nagkasundong mag-draft ng proposal na layong lumikha ng MDDA. Agad ipapasa ang nasabing proposal kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa proklamasyon nito gayundin sa Kongreso upang maaprubahan.
Ang Davao City, Digos City at munisipalidad ng Sta. Cruz sa Davao del Sur, lungsod ng Panabo at Tagum at bayan ng Carmen sa Davao del Norte ang bubuo sa panukalang MDDA. Ang Nabunturan, capital town ng bagong Davao de Oro ay sasali rin sa MDDA.
Pakay ng MDDA na magkaroon na lamang ng isa o pinag-isang direksyon sa pagpapaunlad o pag-aayos ng kasaping LGUs, partikular sa waste disposal, traffic, infrastructure, security and disaster resiliency, at iba pa.
Nasa Davao City kamakalawa si Go para mamahagi ng financial assistance, grocery packs at gift checks mula sa isang fast-food restaurant sa 476 pamilyang nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog, malapit sa Bankerohan Public Market noong Miyerkules.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *