Tamang pagkakakilanlan para sa Seguridad at Kapayapaan

Kamakailan ay nagkaroon ng pagdinig ang Defense and Security Committee sa Kongreso upang matukoy kung anong legislative agenda ang angkop at gagawing prayoridad upang mapabuti ang pagproprotekta sa mamamayan at bayan.
Ayon kay Major General Antonio Parlade ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC kinukwestiyon ng Kamatayan bloc ang DND kung ang modernization plan ba nito ay upang pumatay ng mga tao o gamitin ang pondo nito sa pagaresto sa mga aktibista.
Para po sa kanilang kaalaman, hindi po ito ang mandato at ninanais ng pamahalaan para sa bayan dahil nakasaad sa konstitusyon na kinakailangan protektahan ng pamahalaan ang bawat mamamayan lalo na sa panahon ng digmaan at kalamidad.
Sa ilalim ng modernization plan na kinukuwestiyon nila, ang pagkakaroon ng mga karagdagang helicopters ay upang may magamit tayo sa mga rescue operation kagaya sa nangyaring lindol sa Mindanao kamakailan kung saan nakapagligtas tayo ng buhay ng ating mga kababayan.
Sinabi pa ni General Parlade na hindi kaya nakikita ng mga kritiko ng gobyerno kung gaano kalaking tulong ang mga helicopter na ito na lumalapag sa mga delikadong parte ng kabundukan mailigtas lang ang ating mga kababayan?
Dagdag pa niya, patuloy ang ginagawa ng DND na subaybayan ang mga grupo ng terorista lalo na sa pagpasok nito sa mga vulnerable sectors partikular ang mga kabataan.
***
Sinabi pa ni General Parlade na ang pagkaaresto sa mga CPP-NPA personalities na may kasamang 15 na bata kamakailan ay consistent sa Senate inquiry findings na base sa dokumento ni Vic Ladlad ng CPP na may 8,635 na kabataan na edad 13-17 ang kanilang narecruit hanggang Setyembre 2015.
Paano pa kaya kung idadagdag pa natin ang bilang ng mga kabataan na kanilang nalilinlang na mag-armas at makipaglaban sa pamahalaan?
Idinagdag din ni General Parlade na imbis na sagipin ng Gabriela ang mga kabataan sa kamay ng CPP-NPA, ang ginawa nito sa nakaraang pagdinig ay ang pagreklamo nito sa pagkakadawit nito sa red-tagged na kung saan dapay siguro nilang ipaliwanag kung bakit ang grupo nila ay patuloy na lumilitaw sa mga recovered documents at computers ng mga naarestong CPP-NPA top personalities.
Bukod dito, sinabi ni General Parlade na marami ang nagrereklamo sa mga pagpatay sa kanilang mga miyembro pero bakit kaya hindi nila panoorin ang malinaw na testimonya sa mga video interviews ng mga Special Partisan Units na sumuko sa pamahalaan, na umaming sila mismo ang umaatake at pumapatay sa mga magsasaka at sibilyan gamit ang constabulary uniform at nagpapanggap na miyembro ng security forces upang palabasin na ang kasundaluhan at kapulisan ang pumapatay para mas marami ang magalit sa gobyerno.

***
Ito yung sinasabi ni Major General Antonio Parlade na doble-karang rebolusyon na pinapairal ng CPP-NPA.
At ito yung mga katotohanan na dapat maunawaan nating mga mamamayan. Dahil dito magsisimula ang ating pagkagising na ang mga grupong ito ay dapat nating tuligsain.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close