SEN. POE SINABON ANG LTFRB SA PAGPATIGIL SA OPERASYON NG ANGKAS

ISINUSULONG ni Senadora Grace Poe sa Senado na magsagawa ng pagdinig kaugnay ng isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN.
Inihain ni Poe, head ng public services committee ang Senate Resolution 322 na layong tignan kung sumunod ang ABS-CBN Corporation sa terms and conditions ng kanilang prangkisa sa ilalim ng Republic Act No. 7966
Kinilala ni Poe ang public statements ng ABS-CBN na wala itong nilabag na kahit anong batas.
Pero kasabay nito, sinabi ni Poe na nakasaad din sa konstitusyon na subject sa amendment, alteration, o repeal ng Kongreso ang isang prangkisa kapag kinakailangan itong gawin sa ikabubuti ng nakararami.
Una nang nagsampa ng quo warranto petition ang Office of the Solicitor General laban sa ABS-CBN na nagsabing lumabag ang network sa constitutional ban ng foreign ownership at iba pa.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na gugulong na ang imbestigasyon kaugnay ng mga alegasyon laban sa network nang mabigyan ng pagkakataon ang ABS-CBN na ipaliwanag ang kanilang panig.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *