Dumipensa ang mga sponsor ng Bayanihan to Heals as One Act 2020 sa pagbibigay ng standby power kay Pangulong Duterte na hawakan ang operasyon ng ilang private establishments sa bansa.
Ayon kay Deputy Speaker Lray Villafuerte ang kapangyarihang ito, sa interes ng publiko na may kaugnayan sa COVID-19 response.
Paliwanag nito na ang special authority na iginagawad sa pangulo para sa operasyon ng private establishments, limitado lamang sa mga privately owned hospitals, medical at health facilities, hotels at kahalintulad na establishimento na maaaring magsilbing lodging para sa mga health at frontline workers o kaya naman maging quarantine facility at medical relief location.
Kasama rin dito ang transportasyon upang magbigay naman ng service para sa mga health at frontline workers sa gitna ng suspension ng public transport system.
Ilan pa sa mga kapangyarihan na iginagawad ng panukala ang pag re-allocate at pag re-align ng pondong nakalaan sana sa ibang mga proyekto sa ilalim ng Executive Dept. at mga GOCC mula sa 2019 at 2020 General Appropriations Act para matustusan ang mga programa kontra COVID-19 tulad ng operation budget para sa mga government hospital na itinalagang COVID19 treatment facility, TUPAD program ng DOLE, at food and non food assistance mula sa DSWD.
Binibigyan rin ng exemption sa procurement process ang ehekutibo para sa agarang pagbili ng mga personal protective equipment, medical equipment at devices tulad ng testing kits, at industry at iba pang essential service.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *