Pagbawi sa travel ban sa Macau pinag-aaralan narin ng PH

Masusi narin umanong pinag-aaralan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ang pagbawi ng travel ban sa Macau dahil pa rin sa isyu ng corona virus disease (COVID-19).
Kasunod narin ito ng pagbawi sa travel ban sa Taiwan kamakalawa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pag-aaralan naraw ng Inter-Agency Task Force ang kondisyon sa iba pang mga lugar kabilang ang Macau hinggil sa posibilidad na pagbawi narin ng travel ban.
Kamakalawa nang bawiin na ang travel ban sa bansang Taiwan dahil pa rin sa COVID-19.
Ayon kay Panelo, ang pagbawi sa ban ay napagpasyahan ng Inter-Agency Task Force ay dahil mayroon namang istriktong measures na ipinatutupad ang Taiwan at may mga protocols para matugunan ang COVID-19.
Dahil dito, maari na muling makabiyahe anuman ang nationality mula Pilipinas patungong Taiwan at mula Taiwan pabalik ng Pilipinas.

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

One thought on “Pagbawi sa travel ban sa Macau pinag-aaralan narin ng PH”

  1. Usually I don’t learn post on blogs, but I would like to say that this write-up very pressured me to check out and do so! Your writing style has been surprised me. Thanks, very nice post.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *