P6m shabu huli sa 3 ‘bigtime’ tulak, 15 pa sa Cavite

Camp Gen. Pantaleon Garcia, Imus, Cavite – Nakasabat ng hindi bababa sa P6 milyon halaga ng shabu, at nakahuli ng 15 drug personalities kabilang ang tatlong high value target (HVT) sa isang araw na anti-criminality operations ng Cavite Provincial Police Office.
Sa ulat ni Cavite Police Provincial Director Col. Marlon R. Santos kay CALABARZON Regional Director B/Gen. Vicente Danao Jr., kabilang sa mga nadakip ay sina Aisa Juiamalo , 58, isang HVT; at ang mga kasabwat niyang sina Bainot Saidali, Tamban, 40; Nasser Makalpal, 38, mga residente ng Houston St., George Town Phase 2, Bgy. Molino 4, Bacoor City, sa inilatag na buy-bust operation ng mga elemento ng Bacoor City PNP 2:45 ng madaling araw ng Martes at nakumpiskahan ang mga ito ng 635 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P4,318.000.
Arestado naman ang mga wanted na sina Roy Magalona, 27, Top 5 Most wanted sa kasong Carnapping sa Gen.Trias; Adolfo Pangilinan, 54, Top 9 (Theft) sa Trece Martires; Marlyn Sevilla, 43, 2 counts ng Batas Pambansa (BP22); at sampu pang personalidad para sa mga kasong Theft, Alarm and Scandal, Resistance and Disobedience to Agent in Person of Authority and Inderect Assault, Grave Threat, Reckless Imprudence Resulting to Homecide at Robbery. (Irine Gascon/Jose Koi Laura)

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *