P600-M na pinsala sa agrikultura ng Taal eruption – DA

Pumalo na sa P577.39 million ang pinsalang naidulot ng pagputok ng Bulkang Taal sa sektor ng agrikultura na nakaapekto sa 2,772 hectares at aabot sa 2,000 hayop.
Kabilang sa mga matinding nagtamo ng danyos ang taniman ng palay, mais, cacao, saging at mga gulay.
Kaugnay nito, tiniyak ng Department of Agriculture (DA)-CALABARZON (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) na may inihahanda nang draft para sa rehabilitation plan ng mga naapektuhan.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DA Calabarzon Regional Director Arnel de Mesa, inatasan na ni Agriculture Secretary William Dar ang regional office sa pagbibigay ng credit assistance sa mga magsasaka.
Gagamitin naman aniya ang draft ng rehabilitation plan upang mai-release na rin ang quick response fund na aayuda sa iba pang pangangailangan ng mga apektado.
Bukod sa short term plans, target din ng tanggapan na makalikha ng pangmatagalang solusyon sa problema kada nagkakaroon ng aktibidad ang naturang bulkan.
Muli namang iginiit ng opisyal ang panganib na dala ng bagsak ng abo, hindi lamang sa mga pananim kundi sa mga alagang hayop na lubhang delikado kapag nakain o nalanghap.

  • 5
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    5
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *