P5.7m shabu huli sa 3 tulak sa Maynila

ARESTADO ang tatlong drug personalities kabilang ang isang babae sa buy bust operation kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.
Nakuha mula sa mga suspek na sina Anowar Mocamad, Tato Amiril, at Fatima Garcia ang P5.7 milyong halaga ng shabu o katumbas ng 850 grams, buy bust money na P16,000 at 3 cellphones.
Ayon kay MPD Director Brig.General Bernabe Balba, mula pa sa Mindanao ang mga suspek na kilalang mga kilabot na tulak ng iligal na droga.
Responsable umano ang mga suspek sa pakikipagtransak-syon ng droga sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila kabilang ang Maynila.
Matagal na in umanong minamanmanan ang mga suspek hanggang ikasa ang buy bust operation na nagresulta ng kanilang pagkakadakip sa isang parking area sa Simoun de Jesus St., Barangay 125, Balot, Tondo.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close