P5.4m shabu nasabat malapit sa Senado

NASABAT ng mga otoridad ang nasa P5.4-million halaga ng shabu sa operasyon na ikinasa malapit sa Senado sa Pasay City.
Isinagawa ng mga tauhan ng mga operatiba ng Pasay City Police ang operasyon sa may bahagi ng Diokno Boulevard, Barangay 76 ng naturang lungsod.
Nagresulta ito sa pagkakaa-resto sa anim na suspek na kinilalang sina Nasrip Andrada, Rakin Cosain, Noe Picana, Abdul Benito, Florando Capistrano, at Erickson Alueta.
Ayon kay City Police chief Col. Bernard Yang, binentahan ng mga salarin ng iligal na droga ang pulis na nagsilbing posuer buyer.
Bukod sa 800 gramo ng shabu ay nakumpiska rin ng mga pulis mula sa mga suspek ang isang digital weighing scale, 3 plastik na bote na may lamang tableta, P3,560 cash, at Toyota Fortuner na ginagamit umano ng mga suspek sa kalakalan ng iligal na droga.

  • 7
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    7
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close