P40-million shabu huli sa babaeng pasahero mula Cambodia sa NAIA

HINDI nakalusot sa mga alertong tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang tangkang pagpuslit sa bansa ng 40 milyon pisong halaga ng shabu na itinago ng isang pasahero mula sa kaniyang backpack, ilang sandali pagdating nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA ) Terminal 3 sa Pasay City.
Kinilala ang nadakip na pasahero na si Marie Rusol Guillermo, 28, ng Sabot st., Bgy., Nangka, Marikina City.
Sa ulat, naganap ang insidente 4:00 ng madaling araw kahapon sa Customs arrival area, ilang sandali ng pagdating ni Guillermo sa NAIA 3 lulan ng Cebu Pacific flight 5J258 galing Siem Reap, Cambodia.
Nabatid na habang sumasalang sa x-ray machine ang dalang backpack ng suspek, humugis sa TV screen ang kahina-hinalang bagay na nasa loob nito kaya’t agad na pinabuksan ng mga otoridad ang laman ng da-lawang handbags.
Hindi na nakapalag ang pasahero nang madiskubre ng mga otoridad na shabu ang nakaba-lot sa tea foil pack na may timbang na 6 kilos.
Mariing itinanggi ni Guillermo na sa kanya ang iligal na droga kundi sa isang kaibigan na nakisuyo sa kanya na dalhin ito sa Pilipinas.
Ang suspek ay agad na dinala sa pangangalaga ng PDEA kungsaan ay sasampahan ito ng kaukulang kaso sa piskalya.

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close