P34m shabu huli sa Malaysian, 2 pa

AABOT sa P34 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong suspek kabilang ang isang Malaysian national ng mga elemento ng PDEA Regional Office IX, PDEA-BARMM, MBLT-9, MID-2 MIU PMC, PSO-TT NICA9, BONGAO MPS, PDEU-TTPO at RIU9 PNP-IG sa isinagawang buy bust operation Martes ng umaga sa Barter Trade Center, Public Market, Barangay Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi.
Kinilala ang mga nadakip na sina Haberson Jaafar, 26; Elmer Jamadin, 31; at Adzfar Asali, 44, residente ng Taman Miluk, Kota Kinabalu, Malaysia.
Sa ulat, nakipagtransaksyon ang isang PDEA agent na nagpanggap na buyer sa tatlong suspek at nang magpositibo ang bentahan ng droga ay agad inaresto ang mga ito.
Nasamsam sa mga suspek ang ginamit na isang bundle ng P1,000 marked money, cellular phones, paper bag, assorted cellophane plastic bags, kabilang ang limang “Guan-yinwang” plastics, at ang limang kilo ng shabu.
Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act.of 2002.

  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *