P14M shabu at 38 drug personalities huli sa Cavite

Camp Pantaleon Garcia, Imus, Cavite – Patuloy ang pagbaha ng mga ipinagbabawal na gamot sa probinsya ng Cavite matapos na muling makasabat ng hindi bababa sa labing-apat na milyon piso o 2.55 kilograms ng mga iligal na droga at 38 na mga drug personalities kabilang ang isang African Nationals ang mga otoridad ng Cavite na nagsagawa ng magkakasunod na drug buy-bust operation nitong Biyernes.
Base sa ipinadalang report ni Cavite Police Provincial Director Col. Marlon Santos kay CALABARZON Regional Director BGen. Vicente Danao Jr., nakilala ang dayuhan na si Kingsly Ezeobi na miyembro ng African Drug Group at ang kanyang mga kasabwat na dalawang Filipino na sina Diomedes Gonzales at Robeito Benamil, na nasakote sa Talaba-Coastal Road sa Talaba ng Bacoor noong kamakalawa ng gabi. Nakumpiska sa mga ito ang dalawang kilo ng mga pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga estimated market value na 13 Million Pesos.
Arestado rin ang apat na wanted persons kabilang ang Rank number 5 sa bayan ng Indang na merong kaso ng RA 9262 at ang number 8 Most wanted ng Kawit para sa kasong Theft at dalawa pang suspek na may kasong Attempted Murder na mga nalambat sa bayan ng Amadeo at sa Bacoor para sa kasong may kinalaman sa droga o RA 9165.
Dalawa naman ang mga nasakote sa kasong PD1602 habang tumataya sa larong color games habang ang limang iba pa ay kinasuhan naman ng Robbery and Physical Injuries sa bayan ng Dasmariñas at Alarm Scandal with Threat sa Bacoor City at sa Trece Martires City naman ay Reckless Imprudence Resulting to Homecide.

  • 1.1K
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1.1K
    Shares

One thought on “P14M shabu at 38 drug personalities huli sa Cavite”

  1. After I initially commented I seem to have clicked on the -Notify me when new comments
    are added- checkbox and from now on whenever a comment is added I receive 4 emails with the same comment.
    There has to be a means you can remove me from that service?
    Thanks!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *