P130-M pekeng kalakal timbog sa BOC-CIIS

Tinatayang nasa halagang P130 milyon ang natimbog na mga pekeng kalakal ng pinagsanib na elemento ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Port of Manila (POM), kasama ang tauhan ng BOC Intellectual Property Rights Division (IPRD), kabilang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force NCR-CL, kamakailan sa loob ng bodega sa Lungsod ng Pasay.
Sa ulat na inihayag ni Atty. Justine Roman Geli, Hepe ng CIIS-POM kay CIIS Director Jeff Tacio, matapos makatanggap ng isang positibong impormasyon, agad nagsagawa ng matinding operasyon ang mga aktibong tauhan nito, kung saan natimbog ang mga pekeng marks Jordan, Crocs, Fitflop, Nike, Fila, Adidas, Havianas, Disney, Avengers, Barbie, Sofia the First, Coastar, AND1, at Little Pony na pawang natagpuan sa loob ng naturang bodega sa nabanggit na lugar.
Pinapurihan naman ni IG Customs Deputy Commissioner Raniel Ramiro si Atty. Geli at mga tauhan nito sa matagumpay na operasyong naganap, kung saan naputol nito ang iligal na pagbebenta ng mga pekeng kalakal na lubhang may epekto sa malaking kabawasan na dapat pagbayarang buwis na pumasok sa kaban ng bayan.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close