TINATAYANG P1.3 milyon halaga ng disposable face mask ang nasabat at pagkakaaresto sa isang Chinese at Malaysian national at 5 Pinoy nilang kasamahan sa isang entrapment operation sa Carmona, Cavite.
Kinilala ang mga naaresto na sina Hasan Meahar Asana, 43, isang Chinese Filipino na sinasabing supplier; Lai Geou Tee, 28, isang Malaysian national at isa rin supplier; Ma. Anelia delos Reyes, 60, nagsisilbing Financier; Micah Salvador, 27, isa ring Financier; Vanessa Zolayvar, 35, Pinay na nagsisilbing Ahente; Dennie Realon, 29, isa pang Ahente at Bienvenido Alvarez, 52, Ambulance Driver.
Sa ulat, nag-ugat ang isinagawang pagsalakay dahil sa tawag ng isang concerned citizen hinggil sa isang Facebook account ng isang Vanesa Zolayvar na umano’y nagbebenta ito ng mga expired at overpriced na mga disposable na N88 facemask sa lugar sa Cavite.
Isang poseur buyer ng CIDG ang nagpanggap ng bibili kung saan tumawag ito sa cellphone ng nagbebenta at nagtanong na presyo ng facemask kung saan nagkakahalaga ito ng P1,500 sa isang kahon na naglalaman ng 5 piraso
Ayon sa CIDG, ang nasabing presyo ang mataas kumpara sa itinadhana ng DTI.
Dahil dito, ikinasa ang entrapement operation ng pinagsamang puwersa ng CIDG-Cavite, Cavite PPO, Carmona Munipal Police Station at DTI Cavite, 9:30 kamakalawa ng gabi sa Waltermart Mall sa Brgy. Maduya, Carmona Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek .
Narekober sa mga suspek ang 931 pirasong plastic packs na naglalaman ng 50 pirasong facemask; buy bust money, boodle money, 5 cellular phones at isang unit ng kulay puting Hyundai H-100 na may ambulance marking.
Kasong paglabag sa RA 7581 as amended by RA 10623 (Price Act), RA 7394 (Consumer Act of the Philippines), at  RA 9711 (FDA Act of 2009) ang isasampa laban sa mga naarestong  suspek.(Irine Gascon)

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *