Opisyal ng NPA huli

NADAKIP ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army na itinuturing na “Top 1 wanted terrorist” sa Agusan Del Sur.
Kinilala ang naaresto na si Rachel Cortez Daguman, 44, kilala rin bilang alyas Kumander Jasmin, alyas Yude at alyas Raya na nadakip sa isang palengke 4:45 Lunes ng hapon.
Si Daguman, tumatayong secretary ng Front Committee 51 ng rebeldeng grupo, ay misis ni Kumander Benjie Pahak, isang mataas na lider ng NPA na napatay noong 2005.
Si Daguman ay mayroong warrant of arrest sa kasong Robbery with Homicide mula sa korte sa Digos City.
Nakatakda siyang dalhin sa North Cotabato para sa paglilitis.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

One thought on “Opisyal ng NPA huli”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *