HINDI naman masama ang mangutang lalo pa’t kailangan ito sa oras ng kagipitan, at may inaasahan namang pagkukunan ng ibabayad kapag sumapit na ang nakatakdang paniningil sa pautang.
Ang nagpapasama rito ay ang gawin itong animo isang “hobby” upang masunod lamang ang luho sa katawan, at mabili ang mga bagay na ‘di naman pangunahing kailangan sa ating buhay.
Ngunit sa dulo nang pagpapasarap ay ang sakit naman sa ulo kung saan kukuha ng ipambabayad.
Ito ang siyang naging puno’t dulo ng mga problema ngayon ng mga kababayan natin, na iniaangal ang “shaming” o panghihiya at pananakot na inaabot nila mula sa “collection agency,” na kalimitan nang hina-hire ng mga legitimate “online lending company” na maningil sa mga taong pumapalyo sa pagbabayad ng mga utang sa kumpaniya.
Ang mga collection agency ay inuupahan ng lending company upang maningil ng pautang sa mga “delinquent” LONDONERS (ang bansag sa mga mahilig mag-loan dito at loan doon) at kaya masigasig ang mga ito na makakolekta ay dahil sa komisyon na makukuha nila sa bawat masisingil.
May pagkakataon pa nga na ang mismong mga pautang ay ibinebenta ng mga ‘online lending company’ sa mga collection agency at bahala na ang mga ito sa paniningil gamit ang anumang paraan – kasama na rito ang panghihiya o pagtawag sa mga relatives, kaibigan, ka-trabaho gamit ang social networking sites.
Nang dumami ang mga nagrereklamong naging biktima umano ng mga panghihiya sa social media – agad na kumilos ang pamahalaan – at halos lahat ng nasa “online lending business” ay isinalang sa malalim na imbestigasyon.
Ang masama rito, ‘yung legal na mga “lenders” – na talaga namang pinirwisyo ng mga balasubas na LONDONER- ay nasalang din sa imbestigasyon, samantalang ‘yung mga illegal na nagkalat sa internet, mga nakalusot dahil fake ang mga address.
Ang isa sa mga lehitimong online lending na tinamaan ng bintang ng “shaming at harassment” mula sa mga mangungutang na talaga namang ‘di nakababayad, ay ang FastCash Global Lending Inc. Itinatanggi ng kumpanya ang bintang dito.
Sa opisyal na pahayag ni Atty. Arnel D. Mateo, President at CEOng ADM & Partners Data Privacy and Consulting Inc, ang humahawak ng operasyon ng FastCash: “Collection malpractices would not be tolerated in our company.
Those who call and collect are third-party collection agencies these online lenders employ.”
Dahil sa mga reklamong ito nagpasya umano ang kanilang pamunuan na unti-unti nang ilipat ang paniningil, mula sa ‘third party collection agency’ patungo sa sarili nitong kumpaniya, upang mapangalagaan ang relasyon ng magkabilang panig.
Ani Atty Mateo: “We, in FastCash, are trying our very best to slowly move our third-party collection agency to our own FastCash collection team. Rest assured that everything would be more proper than it was before. We apologize to those who have been offended by our third-party collection team. Thank you for making us better.”
Dagdag pa ng abugado: “Series of trainings on proper handling personal data have been conducted since October 2019 to make sure that client information are processed lawfully.We are in the process of training our customer care representatives.
We are teaching them to be more sensitive and to show compassion and empathy. We believe that each of our clients has a story to tell and they need those stories told. So we will listen to them.”
Madali lang talagang makapangutang ngayon, basta pakatandaan natin itong bilin ng mga matatanda: “Huwag ilista sa tubig ang inyong pagkakautang!”

  • 48
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    48
    Shares

2 thoughts on “ONLINE LENDERS BAGONG 5-6 PARA SA MGA PINOY?”

    1. Ok.. that’s is against the law for plagiarism. The online website police file tonite and the tabloid newspaper are separating offices. The team newspaper editorial will submit all news articles to have published online by sending through email. The policefilesonite19.com was managed by JimWworks Web Studio is the agency of Web Developers and Designers. I am in favor of your reaction to the columnist who could be published himself without prior consultation to the original author. For me, it is a violation of copyright law. If you could have a strong decision put it in the piece of paper just write on in a proper way then you can file a case to the court asking for illegal copying. Try to contact Mr. Lucky Boy Alcala of the “Crimebuster” columnist to verify him why he does. Why he is using an article coming from you. This is my opinion to your message hope you will resolve soon. Thanks again

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close