Grabeng pagbaha sa Cagayan at Isabela; illegal logging buking

HUMINGI ng pang-unawa, “sorry” sina House Speaker Alan Peter Cayetano at Pangulong Rody Duterte sa mga nangyaring aberya nung bago ang pormal na pagsimula ng Southeast Asian Games.
Ito’y tanda ng kababaang loob ni Pangulong Digong gayundin ni Speaker Cayetano. Sinasalamin ng “sorry po” nila ang pagiging ‘hospitable’ ng lahing Pinoy lalo na sa mga dayuhang bumibisita sa ating mahal na bansang Pilipinas.
Opo! First time ito nangyari kaya maging ang bise presidente ng Olympic Council of Asia (OCA) ay napahanga sa ginawa nina Digong at Cayetano, kahit na nga hindi nila ito dapat ginawa dahil kung tutuusin ay normal namang may mga nangyayaring gusot sa malakihang sports events kahit saan man sa buong mundo.
Sabi ni Wei Jizhong, bise presidente ng OCA, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng aberya sa mga ganitong palaro. Dahil maging sa Asian Games ay nangyayari din ang ganitong problema.
Di maitatagong ikinagulat ni Jizhong ang paghingi ng “sorry” nina Digong at Cayetano na kapwa nangakong sosolusyunan ang anumang gusot sa SEA Games. Patunay lang ito, ayon sa opisyal, na handa na ang Pilipinas sa pagho-host ng mas malaki pang sports event. Mismo!
Kaya ayun!!! mga pare’t mare, dahil sa tuwa ni Jizhong ay inimbitahan niya at hinikayat ang ating mga opisyal na subukan namang mag-bid para sa hosting ng Asian Games na gaganapin sa taon 2030. Wow!!!
Sa totoo lang naman… hindi sa pagmamayabang… ka-yang-kaya na ng Pilipinas na magdaos ng Asian Games. Dahil ‘di hamak na pang-olympic ang kalidad ng mga bagong gawa na sports venues gaya ng stadium at aquatic center sa New Clark City (NCC) sa Tarlac na hinangaan din ni Jizhong.
Mabuti pa itong si Jizhong marunong kumilala at kumilatis sa pagpupunyagi ng ating bayan para maidaos ng mahusay ang 30th SEA Games.
Di rin maikakaila na inspirado ang ating mga atletang Pinoy. Kaya patuloy na umaarangkada at humahakot sila ng gintong medalya. Sa ikalawang araw pa lamang ng SEA Games nitong Martes ay naka 47 gold medals ang mga manlalaro ng Pinas. Nahigitan na ang total na 23 gold medals na nakuha ng Pinas noong 2017 SEA Games. Ga-ling!!!
Sana naman… matauhan na ang mga taong pumupuna at bumabatikos sa SEA Games at makita na nila ang katotohanang ‘di kayang igupo ng mga negatibong usapin ang dangal, tatag at dignidad ng atletang Pinoy.
Bakit ‘di nalang tayo magkaisa sa pagpalakpak at pagsuporta sa lahat ng mga manlalarong lumalahok sa SEA Games? Hindi ‘yung tayo pa ang bumibira sa sarili nating bayan. Di pa ba kayo natutuwa niyan?, 2nd day palang… wagi na tayo. Congratulations athletes! Laban Pilipinas!!!

Fake news: Van na nangunguha ng kabataan

NILINAW ng pamunuan ng PNP na ang kumakalat sa social media na van na nangunguha o nangingidnap ng kabataan at kinukuha ang internal organs ay FAKE NEWS! Wala raw itong katotohanan. Ang nawawalang 9 kabataan sa Pasay ay wala pa raw malinaw na detalye ukol dito. At ‘yung kumakalat na larawan ng bata na may malaking opera sa tiyan ay fake news din. Ang bata raw ay talagang inoperahan sa ospital dahil sa karamdaman nito.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close