Inaresto ng mga elememto ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP IMEG) ang officer in charge ng Buenavista Municipal Police Station sa pangotong sa mga negosyante sa isinagawang entrapment operation sa Buenavista, Agusan Del Sur.
Kinilala ang inarestong opisyal na si PCPT Junil A. Gultuano,officer in charge ng Buenavista Municipal Police Ststion, Agusan Del Norte.
Isinagawa ang entrapment operation ng mga elemento ng PNP IMEG Mindano Field Unit at Special Action Force sa Buenvista Police Station.
Inireklamo ang suspek ng mga negosyante miyembro ng Buenavista Furniture Association kaugnay ng pahihingi ng P500 kada linggo at karagdagan P5 kada board feet na kahoy na kanilang naibebenta.
Napag-alaman na ang P500 kada linggo, bilang proteksyon upang hindi umano maabala ang operasyon ng kanilang negosyo.
Dinala di Gultiano sa Tanggapan ng PNP IMEG na nahaharap sa kasong admimistrative at criminal robbery extortion.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *