Malinis na Baguio sa kamay ni Mayor Magalong, dinudungisan ni “BuDha”

ANO na kaya ang masasabi ngayon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa napakagandang opening ceremony ng 30th Southeast Asian Games na ginanap sa indoor ng dambuhalang Philippine Arena nung Sabado?
Tila kasi hindi nag-iisip, panay ang salita noon ni Panelo laban sa organizers ng SEA Games, ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee na ang chairman ay si House Speaker Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Panelo, may punto raw ang mga bumabatikos sa paghahanda para sa SEA Games at meron nga naman daw mali sa mga preparasyon. Ganun?
Sinabi pa ni Panelo na mag-iimbestiga raw ang Malacañang at wala raw lulusot kung may makitang iregularidad, kahit pa mga kaalyado ng Pangulong Duterte
Bilang tagapagsalita ng Pangulo, mas mabuti sana kung naging mas maingat si Panelo sa pagpapalabas ng kanyang mga pahayag tungkol sa SEA Games nang hindi na siya nakadagdag pa sa pagbibigay lamat sa pagho-host ng sting bansa ng palarong ito.
Ano ba ang mga sinabi ng mga nakasaksi sa SEA Games opening ceremony, maging live sa Philippine Arena o sa TV? Di ba’t puro papuri ang narinig natin, maliban na lang sa mga talagang sarado na ang mga isipan, at ang mga napadami ang kinaing ampalaya kaya bitter?
“Electrifying,” “Amazing” “spectacular,” “world-class,” “stunning,” “fantastic”, “impressive”—ilan lamang yan sa mga nabasa at narinig natin na pagsasalarawan sa opening ceremony.
“Proud moment” at “Proud to be Pinoy”, “goosebumps”, “nakakaiyak” dahil proud sila, ang ilang mga reaksyon ng mga nakapanood.
Ganyan din tiyak ang naging reaksyon ni Panelo. Tunganga King na siya ngayon. Hehehe…
Congratulations nga pala sa mga Pinoy athletes na patuloy na humahakot ng gold medals sa palaro, kungsaan nasa top overall medal standing ang Pilipinas pagkaraan ng tatlong araw ng 11 days competitions. Mabuhay!!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close