Sugatan ang isang lalaki matapos tagain ng sariling ama, Lunes ng gabi sa Jumarap, Banga.
Nakilala ang biktimang si Babylon Meneses, 40; at ang ama niyang suspek na si Benedicto Meneses Sr., 69, pawang mga residente ng nasabing lugar.
Sa ulat, nagtalo ang dalawa tungkol sa ibinibigay ng barangay na quarantine pass.
At habang kumakain umano ang biktima bigla na lamang siyang tinaga sa likod ng ama.
Tinamaan sa gitna ng kanyang likod ang biktima na mapalad namang nakatakas.
Kaagad namang naawat ng ilan pa nilang pamilya ang lasing na suspek, hanggang sa dumating ang mga pulis
Pansamantala siyang ikinustodiya ng Banga PNP habang inihahanda ang kasong Frustrated Murder na isasampa laban sa kanya.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *