NADINE LUSTRE ire-repackage na bilang sexy star

WALA kaming  nakitang  pagkakaiba sa kumakalat na mga larawan ni Nadine Lustre kumpara noong swimsuit ang mga suot nito sa pictorial dahil medyo kita rin ang konting maselang parte ng kanyang boobs at sa kanyang pang-ibaba na kung magkamali sa pag-pose ay baka sumilip din ang kanyang pagkababae.
Ang pagkakaiba lang ngayon sa mga larawan na nag-trending sa social media ay nakabilad ang pisngi ng kanyang puwet at gan’un din ang bahagi ng kanyang dibdib. Sensual lang daw ang mga pose nito sa kanyang pictorial ngayon dahil wala siyang suot na pang-itaas.
Kung ito na ang desisyon ng Viva Agency na magpa-sexy ang kanilang alagang si Nadine ay karapatan nila ito dahil negosyo ang pinag-uusapan dito.
May investment sila sa aktres kaya dapat lang naman na makabawi sila kahit kailangan baguhin ang imahe ng aktres para malihis ang kanyang imahe sa mga kasabayan nitong pang-wholesome image.
Aminin na ‘di masyadong kumita ang dalawang pelikula ni Nadine kaya naisip ng Viva na tuluyan na nila ang sexy image ng aktres tulad ng ginawa nila noon kina Joyce Jimenez at Amanda Page na binigyan ng proyektong Warat at Gayuma.
Nasa tamang edad na si Nadine para magpa-sexy, nasa tamang kondisyon ang katawan kaya ang pagpapa-sexy nito ay baka ma-hit na nito ang jackpot pero teka, tiyak na may makakalaban si Nadine sa departamentong ito dahil magpapa-sexy na rin daw si Julia Barretto na may gagawing sexy project sa iWant. Makakapareha nito si Tony Labrusca na maraming nagsasabi na too hot to handle base sa maiinit nilang eksena ni Angel Aquino sa Glorious.
Kunsabagay, dito talaga ang punta ng karir ni Nadine dahil mahirap sa isang wholesome actress na dati nitong packaging kung marami itong issue na hindi angkop sa dati nitong imaheng ipino-project at isa na nga rito ang pag-favor nito sa live-in thing. Kaya, I think she is now on the right track to superstardom.

***
COCO AT JULIA, NAKAKABITIN
Totoo ka, nakakabitin ang balitang may flying kiss at birthday cake raw si Julia Montes sa syota nitong si Coco Martin noong ipinagdiwang nito ang kanyang ika-39 na kaarawan noong November 1.
Maraming umaasang tamang panahon na ito para makita ng publiko ang dalawa dahil ang tagal na nilang hindi nasilayan.
Kaya lang, tulad ng nakagawian, binati lang ni Julia si Coco ng ‘Happy Birthday’ na may kasamang emoji na flying kiss at birthday cake sa social media sa tuwing nagbi-birthday ang aktor. So, puwede namin paniwalaan na tuloy pa rin ang komunikasyon ng dalawa noong napabalitang nasa Germany ang aktres.
Kaya lang parang nakabitin pa rin sa bahaghari ang posibleng mangyari kahit nagkita ngayon ang mag-syota ay may balitang manggagaling sa aktor dahil napakahalaga rito ang pribadong buhay.
Naisip tuloy namin ang tsika ng kaibigan na kailangan talaga ng aktor ang pribadong buhay dahil sobrang makulay ang buhay ng aktor noong hindi pa ito kasing-sikat ngayon at isa lamang itong indie aktor.
Nagkaroon siya ng charity event noong October 31 sa mga cancer patient ng PCMC sa tulong ng mga FPJAP Boys.
Nagkaroon din ng birthday celebration sa Nayomi Sanctuary sa Batangas pero ‘for the boys only’ lang daw ito na kapani-paniwala naman dahil ang concept ng celebration ay Birthday Ride dahil nag-motor silang lahat papunta sa venue. Sabi, mukhang strictly for the boys talaga ng affair dahil walang babaing nakitang kasama o naka-angkas sa motor pero maraming nag-isip na may ‘girls in waiting’ naman daw sa Batangas.

  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close